May papasok din sa pintuan ng s'yudad na banal! Titikim ng kal'walhatian: sino kaya? Ako? Ikaw? May lalakad sa gintong daan mamamasdan ang maiinam Matutuwa sa hinulaan: sino kaya? Ako, Ikaw?
Ang krus ay ibababang tunay pagdating ng araw; Bawa't tapat ay puputungan: sino kaya? Ako? Ikaw? Hari'y makikitang mukhaan at ligtas na sa kalumbayan, Maliligayang walang hanggan: sino kaya? Ako? Ikaw?
May tutuktok na di bubuksan pagdating ng araw; Sa pagpupuri ay kapisan: sino kaya? Ako? Ikaw? Sa pintong bukas tumawag man ay hindi na rin pakikinggan Gatimpala'y di matitikman: sino kaya? Ako? Ikaw?
May aawit din ng tagumpay pagdating ng araw; Kasama ng mga tinubos sino kaya? Ako? Ikaw? May babati sa gintong daan magsasama-sama walang hanggan. Ligtas sa kaluwalhatian sino kaya? Ako? Ikaw?